Monday, June 6, 2011

Friends CAN be lovers part 6


(1 message received)


Anung oras na?

What? 2 o'clock in the morning?
Sino naman baliw ang magtetext pa ng ganitong oras.
I open my eyes para tingnan kung sino ang nagtext.


(Lian)

Nagising ang natutulog kong diwa.
Napa upo ako bigla.
Kinuskos ko ang mga mata ko.
Kakaiba ang feeling.


"Chris.
I miss you."


Huh? Si Lian nga ba ang nagtext sakin nito?

Napatulala ako.
Binasa ko paulit ulit ang text nya.

(scroll down)

Sender:
Lian
+6390000000



Nag reply ako after seconds ng pagkakatulala.

"I miss you too.
Late na. Sleep na and don't tire yourself."


(send)

Namiss nya ko.

Bahagya akong napa ngiti.
Pero nandun parin yung kakaibang feeling.

Sana nagkakamali lang ako.

Sana mali yung nararamdaman ko.

Chris.


Eto na ba ang simula ng pagsisisi mo?



-to be continued..

Sunday, June 5, 2011

Friends CAN be Lovers part 5

Anu nga ba ang mga bagay na pinagsisisihan mo?

Ako.

Pinagsisisihan ko na naging duwag ako.

Duwag na sabihin ang totoo kong nararamdaman.

Duwag na di maipaglaban ang sariling kaligayahan.

Duwag na kinailangan pang gumamit ng iba para matakasan ang pagmamahal di ko kayang ipagsigawan.

Ako si Chris.
at isa kong.....





DUWAG!



lumipas ang mga araw since fail incident nung Valentines day.
Di ko na nagawang takasan ang nagawa kong katangahan.

Yea. One of the most stupid things I did in my entire life.


I courted Hush.


Mabait si Hush. Maganda at matalino.
Kaya nga ko nagsisisi eh.
Alam kong masasaktan ko sya.


Pero huli na pata umatras.
Huli na para magsisi.




"Babe!" tawag ni Hush na patakbong yumakap sakin.
"Goodmorning."maikli kong sagot.


Di parin ako sanay sa lambing ni Hush.
Pero dahil caring sya, kusang napalapit ang loob ko sa kanya.
Di ko man sya totoong mahal,
inalagaan ko sya kapalit ng unfair na paggamit ko sa kanya.




Si Lian?



Balik na naman sa dati.
Hanggang sulyap,ngiti at tango na lang kami.
Masakit na nakikita ko syang kasama ng lalaking nagpaiyak sa kanya.
At mas masakit dahil kitang kita ko na masaya sya.....
masaya sya....



kahit wala ako sa tabi nya.




"Chris!"

"Oh? Lian!" patakbo akong lumapit sa kanya.

"Uwian nyo na? Sabay tayo!" yaya nya.

"Ah. oo. Si..."

May biglang humawak sa kamay ko....


"Babe. Sabi mo sasamahan mo ko sa mall? Bibili tayo ng couple shirt remember?" sabi ni Hush.

Napatingin ako kay Lian.

"May lakad kami ni Hush e. Sensya na ah?" nanghihinayang kong sabi.

"Ay hindi ok lang. Sige.Enjoy kayo ah?"
sagot ni Lian.



Nakangiti sya.
Pero iba ang nakikita ko sa mga mata nya.
Nakaramdam ako ng konting sakit.
Pinanuod ko syang naglalakad palayo.

Nakatungo.

Anung nangyari?

Akala ko ba masaya ka na?

Akala ko ba okay na lahat?




"Babe."
naalala kong kasama ko si Hush.

"Ok lang kung gusto mo sya samahan."

"Ha? hindi. hindi. Tara na."



Habang papunta sa mall,
wala parin ako sa sarili ko.
Naalala ko yung tingin ni Lian.
Yung parang ayaw nya kong umalis.
Yung pilit na ngiti.

Anung problema?

May karapatan ba kong alamin pa?

May kalayaan pa ba ko para alagaan ka?



-to be continued..

Thursday, March 17, 2011

Friends CAN be Lovers part 4

Lumipas nga ang mga araw. Nandito parin, nakatago ang nararamdaman ko. Araw araw ko syang nakikita. Si Lian, ang bestfriend at nagiisang babaeng minamahal ko. Pero may isang babaeng makakakuha ng pansin ko. Tuluyan kaya nya kong mabago? o manatili kaya akong baliw kay Lian?

"Hi Chris!" bati sakin ni Hush.
"Hi Hush!" tugon ko.

Si Hush. Maganda, mahinhin at sa di malamang dahilan, magaan ang loob ko sa kanya. Madalas nya kong batiin twing magkikita kami. Nakakapagtaka lang dahil hindi sya natural na ganito. Mabait sya pero hindi pala bati kahit ka close nya. Madalas nga akong inaasar ng mga kaklase namin na type daw ako nito. Pero sa ganda nya? Imposible.

Valentines day. Si Lian agad ang naalala ko. I think this is the perfect day to confess.

Inayos ko lahat. From flowers to chocolates. 3 balloons na may I Love You. Halos isang oras na tumira sa banyo. Kalahating oras na nakatitig sa salamin. Eto na to. Handa na ko.

Papunta na ko sa room ng marinig ko ang sigawan.
"Balikan na yan!"
"Muling ibalik!"

Naramdaman ko na naman ang sakit. Hindi. Mas masakit. Yung parang ilang ulit na sigasaan ng truck ang pagkatao mo.

Ayun si Lian. Kayakap si Aldrin. Sa kabila ng sakit, natiis kong hindi umiyak.
Lumingon si Lian sa kinatatayuan ko. Lumapit.
"Chris! kami na ulit!" masayang sabi nya, habang hawak ang isang boquet ng red roses.
"Congrats." ang tangi kong nasabi.
"Uy. para kanino yan ha?" asar ni Lian habang nakatingin sa mga surpresang sa kanya ko dapat ibibigay.
"Ha? ah e." nalilito kong sabi.
Isip Chris. Kanino? Hindi pwede kay Lian. Kahit kanino. Hanap.

"Hi Chris! Hi Lian! Anu meron?"
Si Hush!

Gumana na naman ang defense/palusot mechanism ko. Lumuhod ako at iniabot ang mga bulaklak.
"Hush. Happy Valentines!
I Love You!"
sigawan. malalakas na tili at kantyaw ang sumunod.
Pero halos wala ko marinig. Yung masamang balita lang ang paulit ulit na naririnig ko.

Hay Chris. Eto nga ang araw na nagconfess ka. Pero sa ibang tao. Ang masakit pa, ilang hakbang lang ang layo mo sa kanya. Matatama mo pa ba? Panu ka na? Panu na sya?

Paano na kayo?


-to be continued

Tuesday, December 21, 2010

Friends CAN be Lovers part 3

We're now on our 3rd year.
Hanggang ngayon, BESTFRIENDS parin kami ni Lian.
At dahil kaklase ko parin sya
sabay kaming papasok sa school, sabay kakain, sabay din uuwi.
Mga bagay na regular naming ginagawa.
Masaya ako na lagi ko parin syang makakasama,
pero sana this school year, lumakas ang loob ko ulit.
Sana nasa right timing na. At sana, wala ng asungot na humarang pa sakin papunta sakanya. Yun ang mga pagbabagong hinihiling ko.
Kaso, ibang pagbabago ang nangyari...



*pasukan*
"Lian!" nakita ko Lian papasok ng school gate. "Chris ! Hello !" tugon ni Lian.
"oh ayan pasukan na. excited na excited ka eh noh."asar ko kay Lian.
"syempre ! excited ako sa mga new classmates noh. Balita ko may new girl daw from other university." sagot naman ni Lian.
"talaga?"
"yup. and balita ko nga na campus sweetheart daw sya. "
"ah. okay." ang walang buhay kong sagot.
"oh bakit? di ka interesado?"nagtatakang tanong ni Lian.
"hindi naman sa ganon. new friend won't hurt. pero di naman ganun ka big deal para maging kasing excited mo."depensa ko.
"kung hindi lang kita bestfriend, siguro mapapagkamalan ko na bading ka. parang wala kang interest sa babae." nangaasar na sabi ni Lian.
"kung alam mo lang...." sabi ko.
"kung alam na anu?" tanong ni Lian.
"kung hindi lang kita ma......" nauutal kong sabi.
"kung hindi lang ma? anu? ituloy mo kasi!" naiinis na sabi ni Lian.

"kung hindi lang kita ma....


matalik na kaibigan, mapapagkamalan kitang tomboy. masyadong kang interesado sa transferee na yun e." pasaring na sabi ko.

"eh basta ! tara na nga sa room!" ang yaya ni Lian.
"teka CR muna ko. mauna ka na."
"okay. bilisan mo ah."


Habang papunta ako sa CR, iniisip ko kung mahina ba talaga ko magparamdam, o manhid lang talaga si Lian. Anu ba dapat kong gawin? Nalilito na ako kakaisip, ng biglang may nakita akong babae na di pamilyar ang mukha sakin. Parang naliligaw ito at pabalik balik na naglalakad. Nagtaka ako kaya nilapitan ko sya.

"Miss. okay ka lang?" tanong ko.
"Oh gosh! Ayun. Hello. I'm a transferee here. Kinda lost lang. Would you mind helping me find my room?" ang magalang na pakiusap ng bagong mukha.
"Sure."
"Thanks."
saka ko lang napansin ang maganda nyang mukha.
"Oh! kaklase pala kita! Ikaw pala yung lilipat samin." gulat kong sabi.
"Talaga? Oh hi! I'm Hush." sabi ng transferee student habang iniaabot ang kamay sakin.
"I'm Chris." tugon ko sabay abot sa kamay nito.
"I'm happy may new friend na agad ako." sabi ni Hush while smiling.
"I feel the same.uh wait. CR lang ako then let's go together sa room"
"That's a good idea." sangayon ni hush.

Unang tingin ko palang kay Hush, alam ko na na sweet sya.Habang papunta sa room namin, marami na syang nakwento. Very open sya tulad ni Lian. Sinabi nya na bagong lipat lang sila, only child sya at her dad already passed away when she was 5.

"She's interesting." bulong ko habang nagkkwento sya.

Ito na nga ba ang simula ng pagbabago?
Magiging special kaya sa buhay ko si Hush?
Paano na kami ni Lian?



to be continued..

Monday, December 20, 2010

Friends CAN be Lovers part 2

Nagalit na nga sakin si Lian.
Pag nagkikita kami,
di man sya sumisigaw o
tumitingin ng masama,
ramdam na ramdam ko ang galit nya.
Yung dating ngiti na ikinasasaya ko pag aking nakikita ay napalitan ng tingin na halos di ko kinakaya.
Gustong gusto kong sabihin na niloloko lang sya. Na mali ang pagkakakilala nya sa Aldrin na yun. Masakit na di nya ko pinaniwalaan. Pero mas masakit na lahat ng inaakala ni Lian na totoo, pustahan lang pala. Ang babaeng minamahal at iniingatan ko, naloloko ng iba. At wala akong magawa. Wala. :(

---------------------------------

Christmas program sa university. Kasama si Lian sa mga mag pproduction number. Galit man sya sakin, nilakasan ko ang loob ko. Gusto ko syang makita at matitigan kahit sa ganitong paraan lang.

Nagpunta na ko sa cultural building. Isa sa mga student council na kaklase ko ang nakiusap na icheck ko ang backstage kung set na lahat ng gagamiting props para sa unang event.
Papunta na ko sa storage room ng may nakita ako sa sulok na kapansin pansin. Si Aldrin? Si Aldrin nga. Pero sino yung kayakap nya? Si Lian ba? Tiningnan kong mabuti. Hindi. Ibang babae. Iba!?
"Eh sira ka pala talaga e!"
sigaw ko.
"Ikaw na naman!?" gulat na tanong ni Aldrin.
"Talaga bang gusto mo ng mamatay!?" nangigigil kong sabi.
"Alam mo brad, wag ka ng mangigil dyan. Tapos na pustahan. Nanalo na ko e. Napasagot ko na si Lian."
gusto ko ng sumabog.
Lalapit na ko para sapakin si Aldrin ng biglang...
"Aldrin!"
"Lian? hindi ko..."
"Tama na." putol ni Lian.
"Narinig ko lahat." Nagumpisa ng tumulo ang luha nya.
Natigilan ako. Parang tumigil ang mundo ko. Ilang beses ko na syang nakitang umiyak, pero iba to. Doble ang sakit.
Lumapit ako sakanya.
"Lian."
Wala akong ibang nasabi kundi pangalan nya. Nakayuko syang umiiyak.
"Chris. Please,iuwi mo na ko."
Hinawakan ko ang kamay nya at ibinigay ang panyo mula saking bulsa.
Hinila ang isa nyang kamay at agad umalis.

Nakasakay na kami sa taxi. Humina na ang pagiyak ni Lian.
Hindi ko parin alam kung paano sya icocomfort.
Bawat tulo ng luha nya, parang kinukurot ang puso ko.
"Chris. Sorry ah?" mahinang sabi ni Lian.
"Sorry for what?" tanong ko.
"Sa lahat.Sa pagiwan ko sayo. Sa hindi ko pakikinig. Sa pagiging stupid ko. Basta sa lahat. Sorry."
"Anu ka ba? Ganun talaga. Mahal kita eh."

Natulala ako. Nasabi ko na nga bang mahal ko sya!?

Niyakap ako ni Lian. Nabigla ako.
"Thank you. Mahal din naman kita eh." sagot nya.

"Mahal? Ma..hal.. mo ko?" nauutal kong tanong.

"Syempre! Bestfriend kita eh!"

Bestfriend? Bestfriend parin. Bestfriend lang.
Kelan kaya sya makakaramdam? Kelan ko kaya masasabi na more than friends ang gusto ko? Hayyyyyyyy. Sa susunod na kabanata, masabi ko na sanang
-FRIENDS CAN BE LOVERS.



..to be continued.

Friends CAN be lovers.

Ako nga pala si Chris.
At yung babaeng yun ay si Lian.
Since highschool, bestfriends na kami.
Alam na alam ko na ugali nya.
Pati nga standards nya sa lalaki alam ko na rin.
Kung saan sya na tturn off,
at saan sya nahuhulog.
Yun nga eh.
Yun ang mahirap.
Dahil alam ko man ang gusto at ayaw nya,
di naman ako pasok sa mga pwedeng candidates sa puso nya.

"Uy Chris!"
papalapit na si Lian.
"Oh! Anung meron?" sagot ko sakanya na may kasamang ngiti.
"Remember Aldrin? Team Captain from basketball team? Diba matagal ko na syang crush? OVER! Tinanong nya ko kung pwede daw nya kong ligawan!" excited na sabi ni Lian.
"Talaga? That's good." alangan kong sagot.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na yung Chris na tinutukoy ni Lian ay isang chickboy. Pero kahit ganun, madami parin ang nahuhumaling dito dahil sa pagiging gwapo at astig sa basketball court.
"Oh bakit ganyan mukha mo? Hmmmm. Gutom ka na noh? Tara! Libre kita dahil good mood ako."
"Hehehe. Sige na nga." ang pilit kong tugon.

Habang pauwi ako sa bahay, iniisip ko parin ang balita ni Lian. Maganda si Lian at popular din sa school dahil sa pagiging dancer. Pero sa buong campus, madami ang higit na magaganda at malalakas ang appeal. At sa tipo ni Aldrin, na suplado at mapili, halos imposible na pumili sya ng girl-next-door type na katulad ni Lian. May iba nga ba syang pakay? Anu nga kaya yun? Anu bang ikinababahala ko?

------------------------------------------

Lumipas nga ang mga araw. Halos di na kami nagkikita ni Lian. Lagi na syang kabuntot nung Aldrin. Sa canteen o sa labas ng school. Pag nagkikita kami, tatango pa lang ay bigla ng dadanggitin ni Aldrin na para bang basketbolistang ni rerebound ang bola. Kahit text, di ko mahagilap si Lian. Tinatawagan ko pero di naman sumasagot. Anu bang nagawa
ko?

-------------------------------
Isang araw, napadaan ako sa gym. Nakita ko ang basketball team na parang nagme meeting. Nandun din ang maangas na si Aldrin. Paalis na ko ng biglang marinig ko ang pangalang- Lian.
"Pre,sabi ko sayo kayang kaya e." mayabang na sabi ni Aldrin.
"Pre, di ka pa sinasagot, wag kang kampante. Tingin ko di mo kaya si Lian. Matatalo ka lang sa pustahan." sabi ng isang member.
"Eh sunod na nga ng sunod sakin eh. Halata na pre. Ihanda mo na 1k mo!"
Ramdam na ramdam ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Galit. Galit na umaapaw!
"Eh gago ka pala e!"
sinapak ko si Aldrin.
"Anung problema mo ha!?"
gulat na tanong ng basketbolista.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!
Tarantado ka pre! Bakit may pustahan tungkol ka Lian!?" galit na galit na ako. Halos buong team,gusto na kong awatin.
"Kayo! Mga tarantado! Di kayo marunong rumespeto sa babae!"
nakawala ako sa hawak nila at sinapak ko ulit si Aldrin.
"Chris! Anu to!? Anung ginagawa mo!?"
sigaw ni Lian na tumatakbo palapit samin.
Akala ko sakin sya lalapit pero dumeretso sya kay Aldrin.
Sakit.
"Sira ka na ba?" tanong nya.
"Lian, pinagpustahan ka lang nila."
"Pustahan? Chris wag kang magbiro. Mali na ngang manapak ka,tapos ngayon gagawa ka pa ng kwento?" inis na sabi ni Lian.
"Sabi sayo layuan mo na yan siraulong yan. Sinisiraan lang nya ko Lian."
sabat ni Aldrin.
"Bangasan kita lalo eh!" susugod na sana ako kaso humarang si Lian.
"Chris! Bago pa mawala ang pagkakaibigan natin, umalis kana."
"Pero..."
"Umalis ka na!" galit na sigaw ni Lian.
Kitang kita sa mata nya ang suklam sa ginawa ko. Noon ko lang sya nakitang ganun kagalit. Anung gagawin ko? Di kita pwedeng pabayaan sa kanya Lian. Pero di ko rin kayang magalit ka sakin ng todo. Anung dapat kong gawin? :'(



..to be continued.