Monday, June 6, 2011

Friends CAN be lovers part 6


(1 message received)


Anung oras na?

What? 2 o'clock in the morning?
Sino naman baliw ang magtetext pa ng ganitong oras.
I open my eyes para tingnan kung sino ang nagtext.


(Lian)

Nagising ang natutulog kong diwa.
Napa upo ako bigla.
Kinuskos ko ang mga mata ko.
Kakaiba ang feeling.


"Chris.
I miss you."


Huh? Si Lian nga ba ang nagtext sakin nito?

Napatulala ako.
Binasa ko paulit ulit ang text nya.

(scroll down)

Sender:
Lian
+6390000000



Nag reply ako after seconds ng pagkakatulala.

"I miss you too.
Late na. Sleep na and don't tire yourself."


(send)

Namiss nya ko.

Bahagya akong napa ngiti.
Pero nandun parin yung kakaibang feeling.

Sana nagkakamali lang ako.

Sana mali yung nararamdaman ko.

Chris.


Eto na ba ang simula ng pagsisisi mo?



-to be continued..

Sunday, June 5, 2011

Friends CAN be Lovers part 5

Anu nga ba ang mga bagay na pinagsisisihan mo?

Ako.

Pinagsisisihan ko na naging duwag ako.

Duwag na sabihin ang totoo kong nararamdaman.

Duwag na di maipaglaban ang sariling kaligayahan.

Duwag na kinailangan pang gumamit ng iba para matakasan ang pagmamahal di ko kayang ipagsigawan.

Ako si Chris.
at isa kong.....





DUWAG!



lumipas ang mga araw since fail incident nung Valentines day.
Di ko na nagawang takasan ang nagawa kong katangahan.

Yea. One of the most stupid things I did in my entire life.


I courted Hush.


Mabait si Hush. Maganda at matalino.
Kaya nga ko nagsisisi eh.
Alam kong masasaktan ko sya.


Pero huli na pata umatras.
Huli na para magsisi.




"Babe!" tawag ni Hush na patakbong yumakap sakin.
"Goodmorning."maikli kong sagot.


Di parin ako sanay sa lambing ni Hush.
Pero dahil caring sya, kusang napalapit ang loob ko sa kanya.
Di ko man sya totoong mahal,
inalagaan ko sya kapalit ng unfair na paggamit ko sa kanya.




Si Lian?



Balik na naman sa dati.
Hanggang sulyap,ngiti at tango na lang kami.
Masakit na nakikita ko syang kasama ng lalaking nagpaiyak sa kanya.
At mas masakit dahil kitang kita ko na masaya sya.....
masaya sya....



kahit wala ako sa tabi nya.




"Chris!"

"Oh? Lian!" patakbo akong lumapit sa kanya.

"Uwian nyo na? Sabay tayo!" yaya nya.

"Ah. oo. Si..."

May biglang humawak sa kamay ko....


"Babe. Sabi mo sasamahan mo ko sa mall? Bibili tayo ng couple shirt remember?" sabi ni Hush.

Napatingin ako kay Lian.

"May lakad kami ni Hush e. Sensya na ah?" nanghihinayang kong sabi.

"Ay hindi ok lang. Sige.Enjoy kayo ah?"
sagot ni Lian.



Nakangiti sya.
Pero iba ang nakikita ko sa mga mata nya.
Nakaramdam ako ng konting sakit.
Pinanuod ko syang naglalakad palayo.

Nakatungo.

Anung nangyari?

Akala ko ba masaya ka na?

Akala ko ba okay na lahat?




"Babe."
naalala kong kasama ko si Hush.

"Ok lang kung gusto mo sya samahan."

"Ha? hindi. hindi. Tara na."



Habang papunta sa mall,
wala parin ako sa sarili ko.
Naalala ko yung tingin ni Lian.
Yung parang ayaw nya kong umalis.
Yung pilit na ngiti.

Anung problema?

May karapatan ba kong alamin pa?

May kalayaan pa ba ko para alagaan ka?



-to be continued..