We're now on our 3rd year.
Hanggang ngayon, BESTFRIENDS parin kami ni Lian.
At dahil kaklase ko parin sya
sabay kaming papasok sa school, sabay kakain, sabay din uuwi.
Mga bagay na regular naming ginagawa.
Masaya ako na lagi ko parin syang makakasama,
pero sana this school year, lumakas ang loob ko ulit.
Sana nasa right timing na. At sana, wala ng asungot na humarang pa sakin papunta sakanya. Yun ang mga pagbabagong hinihiling ko.
Kaso, ibang pagbabago ang nangyari...
*pasukan*
"Lian!" nakita ko Lian papasok ng school gate. "Chris ! Hello !" tugon ni Lian.
"oh ayan pasukan na. excited na excited ka eh noh."asar ko kay Lian.
"syempre ! excited ako sa mga new classmates noh. Balita ko may new girl daw from other university." sagot naman ni Lian.
"talaga?"
"yup. and balita ko nga na campus sweetheart daw sya. "
"ah. okay." ang walang buhay kong sagot.
"oh bakit? di ka interesado?"nagtatakang tanong ni Lian.
"hindi naman sa ganon. new friend won't hurt. pero di naman ganun ka big deal para maging kasing excited mo."depensa ko.
"kung hindi lang kita bestfriend, siguro mapapagkamalan ko na bading ka. parang wala kang interest sa babae." nangaasar na sabi ni Lian.
"kung alam mo lang...." sabi ko.
"kung alam na anu?" tanong ni Lian.
"kung hindi lang kita ma......" nauutal kong sabi.
"kung hindi lang ma? anu? ituloy mo kasi!" naiinis na sabi ni Lian.
"kung hindi lang kita ma....
matalik na kaibigan, mapapagkamalan kitang tomboy. masyadong kang interesado sa transferee na yun e." pasaring na sabi ko.
"eh basta ! tara na nga sa room!" ang yaya ni Lian.
"teka CR muna ko. mauna ka na."
"okay. bilisan mo ah."
Habang papunta ako sa CR, iniisip ko kung mahina ba talaga ko magparamdam, o manhid lang talaga si Lian. Anu ba dapat kong gawin? Nalilito na ako kakaisip, ng biglang may nakita akong babae na di pamilyar ang mukha sakin. Parang naliligaw ito at pabalik balik na naglalakad. Nagtaka ako kaya nilapitan ko sya.
"Miss. okay ka lang?" tanong ko.
"Oh gosh! Ayun. Hello. I'm a transferee here. Kinda lost lang. Would you mind helping me find my room?" ang magalang na pakiusap ng bagong mukha.
"Sure."
"Thanks."
saka ko lang napansin ang maganda nyang mukha.
"Oh! kaklase pala kita! Ikaw pala yung lilipat samin." gulat kong sabi.
"Talaga? Oh hi! I'm Hush." sabi ng transferee student habang iniaabot ang kamay sakin.
"I'm Chris." tugon ko sabay abot sa kamay nito.
"I'm happy may new friend na agad ako." sabi ni Hush while smiling.
"I feel the same.uh wait. CR lang ako then let's go together sa room"
"That's a good idea." sangayon ni hush.
Unang tingin ko palang kay Hush, alam ko na na sweet sya.Habang papunta sa room namin, marami na syang nakwento. Very open sya tulad ni Lian. Sinabi nya na bagong lipat lang sila, only child sya at her dad already passed away when she was 5.
"She's interesting." bulong ko habang nagkkwento sya.
Ito na nga ba ang simula ng pagbabago?
Magiging special kaya sa buhay ko si Hush?
Paano na kami ni Lian?to be continued..
Nagalit na nga sakin si Lian.
Pag nagkikita kami,
di man sya sumisigaw o
tumitingin ng masama,
ramdam na ramdam ko ang galit nya.
Yung dating ngiti na ikinasasaya ko pag aking nakikita ay napalitan ng tingin na halos di ko kinakaya.
Gustong gusto kong sabihin na niloloko lang sya. Na mali ang pagkakakilala nya sa Aldrin na yun. Masakit na di nya ko pinaniwalaan. Pero mas masakit na lahat ng inaakala ni Lian na totoo, pustahan lang pala. Ang babaeng minamahal at iniingatan ko, naloloko ng iba. At wala akong magawa. Wala. :(
---------------------------------
Christmas program sa university. Kasama si Lian sa mga mag pproduction number. Galit man sya sakin, nilakasan ko ang loob ko. Gusto ko syang makita at matitigan kahit sa ganitong paraan lang.
Nagpunta na ko sa cultural building. Isa sa mga student council na kaklase ko ang nakiusap na icheck ko ang backstage kung set na lahat ng gagamiting props para sa unang event.
Papunta na ko sa storage room ng may nakita ako sa sulok na kapansin pansin. Si Aldrin? Si Aldrin nga. Pero sino yung kayakap nya? Si Lian ba? Tiningnan kong mabuti. Hindi. Ibang babae. Iba!?
"Eh sira ka pala talaga e!"
sigaw ko.
"Ikaw na naman!?" gulat na tanong ni Aldrin.
"Talaga bang gusto mo ng mamatay!?" nangigigil kong sabi.
"Alam mo brad, wag ka ng mangigil dyan. Tapos na pustahan. Nanalo na ko e. Napasagot ko na si Lian."
gusto ko ng sumabog.
Lalapit na ko para sapakin si Aldrin ng biglang...
"Aldrin!"
"Lian? hindi ko..."
"Tama na." putol ni Lian.
"Narinig ko lahat." Nagumpisa ng tumulo ang luha nya.
Natigilan ako. Parang tumigil ang mundo ko. Ilang beses ko na syang nakitang umiyak, pero iba to. Doble ang sakit.
Lumapit ako sakanya.
"Lian."
Wala akong ibang nasabi kundi pangalan nya. Nakayuko syang umiiyak.
"Chris. Please,iuwi mo na ko."
Hinawakan ko ang kamay nya at ibinigay ang panyo mula saking bulsa.
Hinila ang isa nyang kamay at agad umalis.
Nakasakay na kami sa taxi. Humina na ang pagiyak ni Lian.
Hindi ko parin alam kung paano sya icocomfort.
Bawat tulo ng luha nya, parang kinukurot ang puso ko.
"Chris. Sorry ah?" mahinang sabi ni Lian.
"Sorry for what?" tanong ko.
"Sa lahat.Sa pagiwan ko sayo. Sa hindi ko pakikinig. Sa pagiging stupid ko. Basta sa lahat. Sorry."
"Anu ka ba? Ganun talaga. Mahal kita eh."
Natulala ako. Nasabi ko na nga bang mahal ko sya!?
Niyakap ako ni Lian. Nabigla ako.
"Thank you. Mahal din naman kita eh." sagot nya.
"Mahal? Ma..hal.. mo ko?" nauutal kong tanong.
"Syempre! Bestfriend kita eh!"
Bestfriend? Bestfriend parin. Bestfriend lang.
Kelan kaya sya makakaramdam? Kelan ko kaya masasabi na more than friends ang gusto ko? Hayyyyyyyy. Sa susunod na kabanata, masabi ko na sanang
-FRIENDS CAN BE LOVERS.
..to be continued.
Ako nga pala si Chris.
At yung babaeng yun ay si Lian.
Since highschool, bestfriends na kami.
Alam na alam ko na ugali nya.
Pati nga standards nya sa lalaki alam ko na rin.
Kung saan sya na tturn off,
at saan sya nahuhulog.
Yun nga eh.
Yun ang mahirap.
Dahil alam ko man ang gusto at ayaw nya,
di naman ako pasok sa mga pwedeng candidates sa puso nya.
"Uy Chris!"
papalapit na si Lian.
"Oh! Anung meron?" sagot ko sakanya na may kasamang ngiti.
"Remember Aldrin? Team Captain from basketball team? Diba matagal ko na syang crush? OVER! Tinanong nya ko kung pwede daw nya kong ligawan!" excited na sabi ni Lian.
"Talaga? That's good." alangan kong sagot.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na yung Chris na tinutukoy ni Lian ay isang chickboy. Pero kahit ganun, madami parin ang nahuhumaling dito dahil sa pagiging gwapo at astig sa basketball court.
"Oh bakit ganyan mukha mo? Hmmmm. Gutom ka na noh? Tara! Libre kita dahil good mood ako."
"Hehehe. Sige na nga." ang pilit kong tugon.
Habang pauwi ako sa bahay, iniisip ko parin ang balita ni Lian. Maganda si Lian at popular din sa school dahil sa pagiging dancer. Pero sa buong campus, madami ang higit na magaganda at malalakas ang appeal. At sa tipo ni Aldrin, na suplado at mapili, halos imposible na pumili sya ng girl-next-door type na katulad ni Lian. May iba nga ba syang pakay? Anu nga kaya yun? Anu bang ikinababahala ko?
------------------------------------------
Lumipas nga ang mga araw. Halos di na kami nagkikita ni Lian. Lagi na syang kabuntot nung Aldrin. Sa canteen o sa labas ng school. Pag nagkikita kami, tatango pa lang ay bigla ng dadanggitin ni Aldrin na para bang basketbolistang ni rerebound ang bola. Kahit text, di ko mahagilap si Lian. Tinatawagan ko pero di naman sumasagot. Anu bang nagawa
ko?
-------------------------------
Isang araw, napadaan ako sa gym. Nakita ko ang basketball team na parang nagme meeting. Nandun din ang maangas na si Aldrin. Paalis na ko ng biglang marinig ko ang pangalang- Lian.
"Pre,sabi ko sayo kayang kaya e." mayabang na sabi ni Aldrin.
"Pre, di ka pa sinasagot, wag kang kampante. Tingin ko di mo kaya si Lian. Matatalo ka lang sa pustahan." sabi ng isang member.
"Eh sunod na nga ng sunod sakin eh. Halata na pre. Ihanda mo na 1k mo!"
Ramdam na ramdam ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Galit. Galit na umaapaw!
"Eh gago ka pala e!"
sinapak ko si Aldrin.
"Anung problema mo ha!?"
gulat na tanong ng basketbolista.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!
Tarantado ka pre! Bakit may pustahan tungkol ka Lian!?" galit na galit na ako. Halos buong team,gusto na kong awatin.
"Kayo! Mga tarantado! Di kayo marunong rumespeto sa babae!"
nakawala ako sa hawak nila at sinapak ko ulit si Aldrin.
"Chris! Anu to!? Anung ginagawa mo!?"
sigaw ni Lian na tumatakbo palapit samin.
Akala ko sakin sya lalapit pero dumeretso sya kay Aldrin.
Sakit.
"Sira ka na ba?" tanong nya.
"Lian, pinagpustahan ka lang nila."
"Pustahan? Chris wag kang magbiro. Mali na ngang manapak ka,tapos ngayon gagawa ka pa ng kwento?" inis na sabi ni Lian.
"Sabi sayo layuan mo na yan siraulong yan. Sinisiraan lang nya ko Lian."
sabat ni Aldrin.
"Bangasan kita lalo eh!" susugod na sana ako kaso humarang si Lian.
"Chris! Bago pa mawala ang pagkakaibigan natin, umalis kana."
"Pero..."
"Umalis ka na!" galit na sigaw ni Lian.
Kitang kita sa mata nya ang suklam sa ginawa ko. Noon ko lang sya nakitang ganun kagalit. Anung gagawin ko? Di kita pwedeng pabayaan sa kanya Lian. Pero di ko rin kayang magalit ka sakin ng todo. Anung dapat kong gawin? :'(..to be continued.