Monday, December 20, 2010

Friends CAN be Lovers part 2

Nagalit na nga sakin si Lian.
Pag nagkikita kami,
di man sya sumisigaw o
tumitingin ng masama,
ramdam na ramdam ko ang galit nya.
Yung dating ngiti na ikinasasaya ko pag aking nakikita ay napalitan ng tingin na halos di ko kinakaya.
Gustong gusto kong sabihin na niloloko lang sya. Na mali ang pagkakakilala nya sa Aldrin na yun. Masakit na di nya ko pinaniwalaan. Pero mas masakit na lahat ng inaakala ni Lian na totoo, pustahan lang pala. Ang babaeng minamahal at iniingatan ko, naloloko ng iba. At wala akong magawa. Wala. :(

---------------------------------

Christmas program sa university. Kasama si Lian sa mga mag pproduction number. Galit man sya sakin, nilakasan ko ang loob ko. Gusto ko syang makita at matitigan kahit sa ganitong paraan lang.

Nagpunta na ko sa cultural building. Isa sa mga student council na kaklase ko ang nakiusap na icheck ko ang backstage kung set na lahat ng gagamiting props para sa unang event.
Papunta na ko sa storage room ng may nakita ako sa sulok na kapansin pansin. Si Aldrin? Si Aldrin nga. Pero sino yung kayakap nya? Si Lian ba? Tiningnan kong mabuti. Hindi. Ibang babae. Iba!?
"Eh sira ka pala talaga e!"
sigaw ko.
"Ikaw na naman!?" gulat na tanong ni Aldrin.
"Talaga bang gusto mo ng mamatay!?" nangigigil kong sabi.
"Alam mo brad, wag ka ng mangigil dyan. Tapos na pustahan. Nanalo na ko e. Napasagot ko na si Lian."
gusto ko ng sumabog.
Lalapit na ko para sapakin si Aldrin ng biglang...
"Aldrin!"
"Lian? hindi ko..."
"Tama na." putol ni Lian.
"Narinig ko lahat." Nagumpisa ng tumulo ang luha nya.
Natigilan ako. Parang tumigil ang mundo ko. Ilang beses ko na syang nakitang umiyak, pero iba to. Doble ang sakit.
Lumapit ako sakanya.
"Lian."
Wala akong ibang nasabi kundi pangalan nya. Nakayuko syang umiiyak.
"Chris. Please,iuwi mo na ko."
Hinawakan ko ang kamay nya at ibinigay ang panyo mula saking bulsa.
Hinila ang isa nyang kamay at agad umalis.

Nakasakay na kami sa taxi. Humina na ang pagiyak ni Lian.
Hindi ko parin alam kung paano sya icocomfort.
Bawat tulo ng luha nya, parang kinukurot ang puso ko.
"Chris. Sorry ah?" mahinang sabi ni Lian.
"Sorry for what?" tanong ko.
"Sa lahat.Sa pagiwan ko sayo. Sa hindi ko pakikinig. Sa pagiging stupid ko. Basta sa lahat. Sorry."
"Anu ka ba? Ganun talaga. Mahal kita eh."

Natulala ako. Nasabi ko na nga bang mahal ko sya!?

Niyakap ako ni Lian. Nabigla ako.
"Thank you. Mahal din naman kita eh." sagot nya.

"Mahal? Ma..hal.. mo ko?" nauutal kong tanong.

"Syempre! Bestfriend kita eh!"

Bestfriend? Bestfriend parin. Bestfriend lang.
Kelan kaya sya makakaramdam? Kelan ko kaya masasabi na more than friends ang gusto ko? Hayyyyyyyy. Sa susunod na kabanata, masabi ko na sanang
-FRIENDS CAN BE LOVERS.



..to be continued.

No comments:

Post a Comment