Monday, December 20, 2010

Friends CAN be lovers.

Ako nga pala si Chris.
At yung babaeng yun ay si Lian.
Since highschool, bestfriends na kami.
Alam na alam ko na ugali nya.
Pati nga standards nya sa lalaki alam ko na rin.
Kung saan sya na tturn off,
at saan sya nahuhulog.
Yun nga eh.
Yun ang mahirap.
Dahil alam ko man ang gusto at ayaw nya,
di naman ako pasok sa mga pwedeng candidates sa puso nya.

"Uy Chris!"
papalapit na si Lian.
"Oh! Anung meron?" sagot ko sakanya na may kasamang ngiti.
"Remember Aldrin? Team Captain from basketball team? Diba matagal ko na syang crush? OVER! Tinanong nya ko kung pwede daw nya kong ligawan!" excited na sabi ni Lian.
"Talaga? That's good." alangan kong sagot.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na yung Chris na tinutukoy ni Lian ay isang chickboy. Pero kahit ganun, madami parin ang nahuhumaling dito dahil sa pagiging gwapo at astig sa basketball court.
"Oh bakit ganyan mukha mo? Hmmmm. Gutom ka na noh? Tara! Libre kita dahil good mood ako."
"Hehehe. Sige na nga." ang pilit kong tugon.

Habang pauwi ako sa bahay, iniisip ko parin ang balita ni Lian. Maganda si Lian at popular din sa school dahil sa pagiging dancer. Pero sa buong campus, madami ang higit na magaganda at malalakas ang appeal. At sa tipo ni Aldrin, na suplado at mapili, halos imposible na pumili sya ng girl-next-door type na katulad ni Lian. May iba nga ba syang pakay? Anu nga kaya yun? Anu bang ikinababahala ko?

------------------------------------------

Lumipas nga ang mga araw. Halos di na kami nagkikita ni Lian. Lagi na syang kabuntot nung Aldrin. Sa canteen o sa labas ng school. Pag nagkikita kami, tatango pa lang ay bigla ng dadanggitin ni Aldrin na para bang basketbolistang ni rerebound ang bola. Kahit text, di ko mahagilap si Lian. Tinatawagan ko pero di naman sumasagot. Anu bang nagawa
ko?

-------------------------------
Isang araw, napadaan ako sa gym. Nakita ko ang basketball team na parang nagme meeting. Nandun din ang maangas na si Aldrin. Paalis na ko ng biglang marinig ko ang pangalang- Lian.
"Pre,sabi ko sayo kayang kaya e." mayabang na sabi ni Aldrin.
"Pre, di ka pa sinasagot, wag kang kampante. Tingin ko di mo kaya si Lian. Matatalo ka lang sa pustahan." sabi ng isang member.
"Eh sunod na nga ng sunod sakin eh. Halata na pre. Ihanda mo na 1k mo!"
Ramdam na ramdam ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Galit. Galit na umaapaw!
"Eh gago ka pala e!"
sinapak ko si Aldrin.
"Anung problema mo ha!?"
gulat na tanong ng basketbolista.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!
Tarantado ka pre! Bakit may pustahan tungkol ka Lian!?" galit na galit na ako. Halos buong team,gusto na kong awatin.
"Kayo! Mga tarantado! Di kayo marunong rumespeto sa babae!"
nakawala ako sa hawak nila at sinapak ko ulit si Aldrin.
"Chris! Anu to!? Anung ginagawa mo!?"
sigaw ni Lian na tumatakbo palapit samin.
Akala ko sakin sya lalapit pero dumeretso sya kay Aldrin.
Sakit.
"Sira ka na ba?" tanong nya.
"Lian, pinagpustahan ka lang nila."
"Pustahan? Chris wag kang magbiro. Mali na ngang manapak ka,tapos ngayon gagawa ka pa ng kwento?" inis na sabi ni Lian.
"Sabi sayo layuan mo na yan siraulong yan. Sinisiraan lang nya ko Lian."
sabat ni Aldrin.
"Bangasan kita lalo eh!" susugod na sana ako kaso humarang si Lian.
"Chris! Bago pa mawala ang pagkakaibigan natin, umalis kana."
"Pero..."
"Umalis ka na!" galit na sigaw ni Lian.
Kitang kita sa mata nya ang suklam sa ginawa ko. Noon ko lang sya nakitang ganun kagalit. Anung gagawin ko? Di kita pwedeng pabayaan sa kanya Lian. Pero di ko rin kayang magalit ka sakin ng todo. Anung dapat kong gawin? :'(



..to be continued.

No comments:

Post a Comment